28

Jun 15, 2020 @ 17:05
By

ABS-CBN: Pag-isyu ng PDRs sa dayuhan alam ng SEC

Pinaninidgan ng abogado ng ABS-CBN legal counsel Atty. Cynthia Del Castillo na ang pag isyu ng PDRs ng ABS CBN Holdings ay aprubado ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Ang ABS-CBN Holdings ang share holder ng ABS-CBN broadcasting na siyang namang nag-iisyu o nagbebenta ng PDRs sa mga dayuhan.

Paglilinaw ni Castillo nang sila ay nag-apply para sa Registrarion ng PDRs sa SEC ay inilatag nila ang lahat ng kondisyones partikular ang pagbebenta o pag-iisyu kaninuman kasama ang dayuhan.

“When we applied for registration of PDRs with the SEC and listing with PSE, we have fully disclosed that PDRs can be sold to anyone regardless of nationality,” ayon kay Castillo sa pagpatuloy ng pagdinig ng Kamara kaugnay sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Dagdag pa ni Castillo, “Wala pong itinago diyan. Di po nila alam ang pangalan ng mga taong bumili, pero alam po nila ang terms of conditions of PDRs na walang restriction in terms of nationality.”

Ngunit iba naman ang pahayag ng SEC, na tila itinangging hindi kasama sa kanilang inaprubahan ang pagbebenta ng PDRs sa dayuhan.

Paglilinaw ng SEC ay limitado lamang ang kanilang aksiyon sa Registration ng pag-iisyu ng PDRs ng ABS-CBN at hindi na sa kung sino ang inisyuhan o pagbentahan nito.

“The SEC, after going through the documents and confirming they complied with the requirements prescribed by law, rendered these documents operative. We emphasized that the act of the SEC was limited to making operative the registration statement,” ayon sa paglilinaw ng kinatawan ng SEC.

Daihl dito, sinita ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang tila pagtuturuan ng dalawa.

“For the first time, magana po yung lumalabas kasi nagtuturuan kung sino talaga may kagagawan…ang sabi ng ABS, pinayagan nyo kami. Ang sabi ng SEC, di namin kayo pinayagan, ito lang pinagayagan namin. Resolbahin natin to sa korte,” ayon kay Defensor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?