45

Nov 7, 2020 @ 11:51
By

ABS-CBN nagpatikim sa bagong Christmas station ID

Sa kabila ng kinaharap na problema ng ABS-CBN, nakatakda pa ring magkaroon ng Christmas station ID ang istasyon.

Sa kanilang Youtube channel, pinasilip ng ABS-CBN ang logo ng kanilang holiday ID na pinangalanang ‘Ikaw ang Liwanag at Ligaya.’

Simula pa noong 2002 ay hindi pumalya ang Kapamilya network sa pagbuo ng mga Christmas station ID na tumatak sa masang Pinoy.

Ilan sa mga sumikat ay ang ‘Star ng Pasko’, ‘Family is Forever’, ‘Just Love’, at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?