690

Feb 29, 2020 @ 20:49
By

ABS-CBN malaking impact sa mga OFW, dapat protektahan – Gerald

Hindi nararamdaman ng mga OFW na malayo sila sa kanilang pamilya dahil sa ABS-CBN kaya dapat itong protektahan, ayon sa aktor na si Gerald Anderson.

Kabilang si Gerald sa daan-daang empleyado at tagasuporta ng ABS-CBN na nagsama-sama noong Biyernes, Pebrero 28 sa ikinasang prayer movement at rally for press freedom sa labas ng TV network sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

Kasama niya sina ABS-CBN actors Elmo Magalona at Nikki Valdez na nakikipaglaban para ma-renew ang prangkisa ng network.

Ani Gerald, 2006 pa lang ay nasa ABS-CBN na siya at malaki ang naitulong nito sa kanyang pamilya.

Nakita rin daw niya ang epekto at impact ng ABS-CBN sa mga OFW kapag nagso-show siya sa ibang bansa.

“Nakita ko mismo lalo na pag nagso-show ako sa TFC or nasa abroad, nakita ko yung effect at yung impact ng mga ginagawa natin for our OFWs and dahil sa atin, dahil sa network at sa TFC mas nararamdaman nila na parang hindi sila ganoon kalayo sa Pilipinas at sa mga pamilya nila because of ABS, so that’s something that we have to protect. Itong challenge na dumating sa ABS, sama-sama natin lalagpasan ito,” pahayag ni Gerald sa TV Patrol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?