130

Feb 24, 2020 @ 19:48
By

ABS-CBN mahaharap sa P200 multa – NTC

Maaari umanong maharap sa P200 kada paglabag na multa ang ABS-CBN at hindi kanselasyon ng prangkisa nito.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), mangyayari ito kung ipagpapatuloy ng ABS-CBN ang pay-per-view services nito nang walang pag-apruba sa kanila.

Inamin ito ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa pagdinig sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN nitong Lunes sa pamumuno ni Senadora Grace Poe.

Ang pay-per-view issue ang isa sa mga umano’y paglabag ng TV network na nakasaad sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema.

“Commissioner Cordoba, kunyari sabihin na natin hindi dapat nag-air ang ABS-CBN sa pay-per-view, at ilang beses nilang ginawa yun… Ano ang karampatang parusa? Multa ba? Pagpapatigil ng operation? O pagsasara ng prangkisa?” tanong ng senadora.

“Actually your honor based on the Public Service Act, that would be just be fining po. That’s P200 per violation,” tugon ng NTC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?