140

Nov 25, 2019 @ 20:03
By

ABS-CBN kinuyog ng ‘Sharonians’

Galit na galit ang mga fan ng Megastar na si Sharon Cuneta dahil sa hindi nila ito nakita sa ABS-CBN Christmas Station ID.

Sa Facebook page ng fan group ni Mega na All Things Sharon, nag-post ang member na nagngangalang Carlo Kent Bernardo at kinukuwestiyon kung bakit hindi niya nakita si Sharon sa CSID.

“Hindi ko feel ang ABSCBN ID kung wala ang nag-iisang Sharon Cuneta. Kayo rin ba?”

Maraming Sharonians ang nag-react din sa post na ito ni Carlo. Lahat sila ay dismayado dahil hindi sila makapaniwala na si Sharon pa raw ang wala sa CSID ng Kapamilya network.

Mabuti pa raw ang mga no-names na artista nila ay nabigyan ng malaking exposure sa CSID. Every year daw, except sa mga taon na nasa TV5 noon si Sharon, inaabangan nila ang paglabas ni Mega sa CSIS ng Dos.

Kaya ang ibang Sharonians, ibo-boycott daw nila ang pagpapanood sa mga show ng ABS-CBN 2.

Wala naman yata silang option kundi manood na lang sa GMA-7 kung true nga ang boycott nila. Pero teka, maapektuhan pa kaya ang ABS-CBN 2 sa threat ng boycott na ito ng mga fans? Uso pa ba ang boycott?

Parang dedma na lang sila sa mga ganitong fans. Malamang ay may valid reason kung bakit hind nakasama si Sharon sa CSID. Wait na lang natin ang official statement ng network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?