120

Mar 4, 2020 @ 19:26
By

ABS-CBN kinondena ang pamamaril kay Kim Chiu

Hindi tatantanan ng mother network ni Kim Chiu na ABS-CBN ang insidente ng pamamaril sa kanilang artista.

Sa kanilang statement, mariin nilang kinokondena ang nangyaring pamamaril sa van ni Kim Chiu nitong Miyerkoles ng umaga sa Quezon City.

“ABS-CBN condemns the shooting incident this morning involving the vehicle carrying its artist Kim Chiu, her personal assistant, and her driver in Quezon City,” ayon sa pahayag ng Kapamilya network.

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN na walang nasaktan sa nasabing insidente, pati na rin sa mga awtoridad na naging mabilis ang aksyon nila sa insidente.

“The network is relieved that none of them got hurt and is taking measures to ensure their safety. Our priority now is attending to their needs as they cope with this traumatic experience,” saad pa.

“ABS-CBN would like to thank the authorities for quickly responding to the incident and securing Kim and her companions.”

Nakikipagtulungan na ngayon ang ABS-CBN sa mga awtoridad para mahuli ang mga suspek sa pamamaril, na tinatayang riding-in-tandem.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?