50

Feb 23, 2020 @ 14:23
By

ABS-CBN inisnab! Mga prangkisa ng iba tatalakayin sa House meeting

Isasantabi ang prangkisa ng ABS-CBN Corporation sa mga tatalakayin sa isang pribadong committee meeting ng Kamara.

Napag-alaman ng Politiko na magpupulong bukas, Pebrero 24, 2020, ang House Committee on Legislative Franchises. Hindi kabilang ang pulong sa opisyal na kalendaryo ng committee meetings na nilabas ng House Public Relations and Information Bureau.

Gayunman, wala sa agenda ang 11 panukala ukol sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, at ayon sa isang Politiko source, pag-uuspaan umano sa pulong ang franchise application ng ibang mga kompanya.

Gaganapin ang pulong sa parehong araw na didinggin ng Senate Committee on Public Services ang kasalukuyang prangkisa ng ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?