2,333

Sep 22, 2021 @ 16:56
By

ABS-CBN ibabalik ni Isko

Nangako si Manila Mayor Isko Moreno na kapag naging presidente siya ay pipirmahan ang panukalang batas na magbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Aniya, paiiralin niya ang rule of law kapag pinalad sa 2022 elections.

“I made it clear in my speech: rule of law, if Congress gives you such privilege, approve it, I will sign it, because ang komersyo, dapat para sa lahat,” lahad niya.

Tiniyak din niyang hindi gagamitin ang gobyerno para mang-abuso o pahirapan ang isang personalidad o korporasyon.

“Ang negosyo at pagkakataon, para sa lahat. ‘Yong may mga kasalanan, papanagutin. ‘Yong may mga obligasyon, dapat tupdin ng mga tao o ng korporasyon.

“Pero gagamitin ang kapangyarihan upang manggipit? Umasa kayo, hindi mangyayari ‘yon sa panahon ko. You will be given equal opportunity, we will level the playing field, we are going to be certain with our rules,” patuloy niya.

Noong May 4, 2020 nag-shutdown ang ABS-CBN ng mga TV at radio station nationwide matapos hindi mabigyan ng bagong 25 taong prangkisa sa Kamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?