69

May 7, 2020 @ 9:18
By

ABS-CBN, hindi COVID-19, ang pinatag – Lacson

Wika ni Senador Ping Lacson, ibang “flattening the curve” ang pinagtuunan ng pansin ng gobyerno.

Imbes na mapabagal aniya ang tulin ng pagkahawa sa coronavirus sa bansa ay pinatigil ang pagsasaere ng ABS-CBN.

“We are all hoping we can flatten the curve of the corona virus soon. Instead, they flattened ABS-CBN yesterday,” tweet ng senador ngayong Huwebes ng umaga.

Noong Martes, tinigil ng broadcast network ang kanilang operasyon sa TV at radio matapos ang cease and desist order laban sa kanila ng National Telecommunications Commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?