507

Dec 4, 2019 @ 13:26
By

ABS-CBN franchise renewal ekis ngayong 2019

Ilang buwan na lang bago mapaso ang prangkisa ng ABS-CBN. Ngunit tila walang balak ang Kongreso na madaliin ang pag-renew ng franchise ng giant TV network.

Sa report ng CNN Philippines, sinabi ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na walang nakaiskedyul na hearing para umisad ang franchise renewal ng Kapamilya network ngayong 2019.

Sa Marso 2020 na mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN, ibig sabihin ay may tatlong buwan na lang para mailakad ang 25 year franchise renewal.

Nitong Martes ay giniit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makakalusot sa kanya ang ABS-CBN at sinabing out on air na ito sa susunod na taon.

“Ang inyong franchise mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaan na mainit si Duterte sa nasabing media entity matapos na hindi umano ipalabas ang kanyang campaign ads noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?