1,218

Oct 4, 2021 @ 21:46
By

ABS-CBN dinaga sa AlDub

Ibinunyag ng talent creator na si “Mr. M” Johnny Manahan na na-threaten ang ABS-CBN sa kasikatan ng tambalan nina Maine Mendoza at Alden Richards na “AlDub”.

Naitanong kay “Mr. M” sa “The Howie Severino Podcast” kung anong strategy ang ginawa ng Kapamilya para tapatan ang AlDub na unang namayagpag noong 2015.

“Nataranta sila dun sa success nila Maine, ni Alden. And panic sila. ‘Wala ba tayong ganyan?’ Ang sagot ko, ‘Mayroon kaming talent dito. Alam naming may talent pero ayaw n’yong gamitin,’” kuwento ni Manahan.

“Ang dami niyan. Naka-ano ‘yan sa notebook. At least ten, really talented people. Pero hindi pinapansin ng mga executive. So ‘yun ang mistake. They didn’t look closer at what we had,” dagdag niya.

“Even then I already noticed na mas mabilis ang GMA magsalang ng artista kesa sa ABS. I think GMA they gamble a little and field the newbies all the time.

“The more people you field, may tatama run, e. Kung ang sinalang mo lang dalawa, 50-50 ‘yung chance mo pero kung sampu o 20 ang sinalang mo, the odds are… You come up with more stars,” saad pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?