85
views

By

ABS-CBN cameraman, kinaladkad ng taxi

Sharing is caring!

Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang cameraman ng ABS-CBN news matapos na mabangga at kaladkarin pa ang minamanehong motorsiklo nito ng isang taxi sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa inisyal na report ng Quezon City Police (QCPD) Traffic Sector, ang sinasakyang motorsiklo ng biktimang nakilalang si Jose Florence, cameraman ng ABS-CBN news, ay nabangga ng taxi dakong alas-3:40 ng madaling araw habang papaakyat sa Tandang Sora flyover, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ayon sa isang testigo na nakausap ng mga pulis, bumangga ang motorsiklo na minamaneho ni Florence sa plastic barrier at hindi nila nakita ang biktima dahil nakaladkad na ng taxi ng halos isang metro bago huminto sa ibabaw na ng flyover.

Wasak ang suot na helmet ng biktima at halos hindi na siya makilala sa tindi ng aksidente kaya agad na isinugod sa East Avenue Medical Center ang cameraman kung saan nananatiling kritikal ang kaniyang kalagayan.

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng taxi na nakilalang si Cristopher Lape at sa kanyang paliwanag, akala umano niya ay plastic barrier lang ang nabangga niya.

Ang driver ng taxi ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng QCPD Traffic Sector habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in physical injury.

Nabatid na sira ang CCTV ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lugar na sana ay makakatulong sa imbestigasyon. Tumutulong na rin ang ABS-CBN sa pamilya ng biktima. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?