160

Sep 16, 2019 @ 12:07
By

ABS-CBN Ball 2019: Marvin at Jolina pinakilig ang mga netizen!

Hindi kinaya ng mga batang ’90s ang pagsasama nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa ABS-CBN Ball noong Setyembre 14.

Sa Twitter, makikita sa video na naglalakad sa red carpet ang nakaputing barong Tagalog na si Marvin na tinernohan ng nakapulang Filipiniana na si Jolina.

“90s babies! Eto na yubg request nyo (emoji: humahalik na mukha),” saad ng aktor-chef.

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa ginawa ng dalawa.

“KUYA LABTIM, THANK YOU! ANG SAYA-SAYA KO!!! BAWING-BAWI NA KAYO SA LAHAT NG PANGHO-HOPIA! CHAR! (emoji: tumatawang mukha, mukhang puso ang mata),” ani @charmainedoble.

“Awww may kilig pa rin saken bakit ganoon? Hahaha solid Marvin at Jolina fan ako ng 90’s love them (emoji: mukhang puso ang mata, puso),” sey naman ni @mimskylicious.

“hehehe parang di lumipas ang panahon ganoon pa rin itsura nila (emoji: natatawang mukha),” ayon naman kay @easeprivate.

“Why do I still get giddy even upto this time seeing you two together (emoji: hugging face), love you both my fave loveteam during my elem/HS days,” saad ni @princesslavern.

Sumikat ang tambalan nila bilang magkababatang Bujoy at Ned sa pelikulang “Labs Kita, Okey Ka Lang?” noong 1998.

Nabalita rin ngayong taon na magkakaroon ng reunion film ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?