181

Jan 29, 2019 @ 19:12
By ,

Abrot, Basilan umatake; Blazers umentra sa finals

Pasok na sa Finals ng NCAA Season 94 men’s volleyball ang College of Saint Benilde Blazers nang walisin ang Emilio Aguinaldo College Generals 25-18, 25-23, 25-20 Martes sa The Arena sa San Juan City.

Hindi na hinayaan na Blazers na muli pang makahabol ang Generals at madaliang dinurog ang tropa ni coach Rod Palmero.

“Hindi kami nage-expect but as their coach ‘yung basa ko dun sa laro, once na maunahan namin ng maganda (yung EAC derecho na),” wika ni Blazers coach Arnold Laniog.

Nanguna para sa Blazers si Ruvince Abrot na may 12 puntos habang bumakas naman ng tig-siyam na puntos sina Francis Basilan at Joshua De Sequera.

Sa buong laro ang setter na si Kevin Magsino ang tinanghal ng player of the game nang tumala ito ng 24 excellent sets kumpara sa siyan ni Mark Julao.

Bagama’t halos lahat ng manlalaro sa EAC ay rookie, alam ni Laniog kung gaano kadisiplina ang mga ito at alam nilang lalaban ito hanggang sa dulo.

“EAC nga ay bago pero knowing coach Rod (Palmero) na disiplinado, kapag naglaro niyan talagang bubuhos ‘yan kahit sabihin mong bago yan o beterano,” dagdag nito.

Sa Biyernes na ang best-of-three finals series ng men’s volleyball kontra sa wala pang talo na Perpetual Help Altas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?