10
filipino-food

Abril, idineklarang ‘Filipino Food Month’

Sharing is caring!

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 469 kung saan inatasan nito ang Department of Agriculture at ang National Commission for Culture and the Arts na siyang manguna sa taunang selebrasyon para sa “Filipino Food Month”.

Idineklara kasi ng Malakanyang na “Filipino Food Month” ang buwan ng Abril.

Nakasaad sa proklamasyon na kailangang tiyakin ng pamahalaan na mabibigyang halaga at mapepreserba ang kultura ng bansa.

Dapat umanong bigyan ng pagkilala ang culinary tradition ng Pilipinas at dapat mabigyan ng promosyon upang masigurong maisasalin ito sa susunod na henerasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?