72

By

Abril 30 idineklarang special non-working day sa Calatagan

Idineklara ng Malacañang na pista opisyal ang April 30, 2019 sa bayan ng Calatagan,Batangas.

Batay sa Proclamation no. 706 na inisyu ni Executive Secretary Salvador Medialdea, idineklarang special (non-working) day ang nabanggit na petsa para bigyang-daan ang selebrasyon ng kapistahan ng Calatagan at Cultural Day nito.

Ayon sa proklamasyon, marapat lamang na mabigyan ng pagkakataon ang mga taga-Calatagan na makisaya at makilahok sa okasyon.

Inaasahang may mga ihahandang aktibidad ang mga lokal na opisyal ng Calatagan para lubos na maipagdiwang ng kanilang mamamayan ang okasyon.

Bukod sa mayamang kultura, marami ring mga beaches na maaaring puntahan sa Calatagan, Batangas.

Ang proklamasyon ay pinirmahan ni Medialdea noong ika-8 ng Abril at ngayon lamang inilabas ng Palasyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?