19

By

Abril 27, idineklarang Lapu-Lapu Day ng Palasyo

Sharing is caring!

Mayroon ng espesyal na araw ang mga taga-Cebu para kay Lapu-Lapu.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Republic Act 11040 na nagtatakda sa April 27 kada taon bilang Special Working Public Holiday sa buong bansa, at Special Non-Working Holiday naman para sa lungsod ng Lapu Lapu , Cebu.

Layon nito na gunitain ang naging tagumpay ni Lapu Lapu at ng kanyang mga tauhan laban kay Ferdinand Magellan sa battle of Mactan noong April 27, 1521.

Tatawagin itong “Lapu Lapu Day o Adlaw ni Lapu Lapu”.

Matatandaang pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kawalan ng espesyal na araw para kay Lapu Lapu gayong ito ang nagtanggol sa Mactan, Cebu laban sa pananakop ng mga espanyol na pinamunuan ni Magellan.

Maging ang rebulto ni Lapu Lapu na halos hindi mapansin dahil maliit aniya, ay pinansin ng Presidente at nangakong magpapagawa ito ng mas malaking Rebulto nito.

Idinaan din sa biro ng Presidente ang paninita sa hindi pagbibigay-importansiya ng mga lokal na opisyal kay Lapu Lapu na aniya ginawang pangalan ng isda at pangalan ng ulam ng mga taga-Visayas hanggang sa nakilala na ito sa buong bansa.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?