17

Oct 17, 2020 @ 8:51
By

Abot sa PBA bubble! Chris Ross binulabog ng 3 lindol

Suki ng lindol ang tinutuluyan ng mga manlalaro sa Pampanga dahil tatlong lindol na umano ang naramdaman doon, ayon kay San Miguel guard Chris Ross.

Kwento ni Ross, bandang alas-4 ng madaling-araw ay may ginagawa siyang homework nang biglang mabulahaw ng malakas na lindol.

Ang naturang lindol na naramdaman ni Ross ay ang magnitude 5.4 earthquake sa Looc, Oriental Mindoro, kung saan naitala ang Intensity II sa Floridablanca, Pampanga, malapit lang sa tinutuluyan nila na hotel.

“Up doing homework and just felt a pretty strong earthquake,” saad ni Ross. “The third one since we’ve been in the bubble.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?