589
Pagtaboy ng mga Chinese sa mga mangingisdang Pinoy, ipoprotesta
By

Abot P2M ayuda, ibibigay ng Chinese biz group sa mga binanggang mangingisda

Isa lamang umanong ‘isolated incident’ ang nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga Pinoy na mangingisda sa West Philippine Sea, ayon sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII).

Sa presscon kahapon sa Kamuning Bakery sa Quezon City, sa pangangasiwa ni Mr. Wilson Lee Flores, sinabi ni Dr. Henry Lim Bon Liong, pangulo ng FFCCCII, na sa dami ng mga sasakyang pandagat sa West Philippine Sea, malaki ang posibilidad na may mga aksidenteng mangyari,

Inihalintulad ni Lim Bon Liong sa isang vehicular accident ang umano’y pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang sinasakyan ng mga Pinoy na mangingisda sa West Philippine Sea nitong nakaraang linggo

Sang-ayon naman ang Filipino-Chinese businessman sa isang joint investigation sa pagitan ng dalawang bansa upang malaman kung ano talagang nangyari at umaasa sila na mananatili ang magandang samahan ng Pilipinas at China sa kabila ng insidente.

Kasabay nito, mag-aabot ng P2 hanggang P3 milyon ang FFCCCII bilang tulong sa mga mangingisdang sakay ng bangkang umanoy binangga ng Chinese vessel sa West Philippine Sea

Ayon sa presidente ng FFCCCII, nakipag-ugnayan na siya kay Defense Sec. Delfin Lorenzana upang tulungan silang makausap ang mga mangingisda at malaman kung anong pangangailangan nila

Aniya, prioridad na maasikaso ang pangkabuhayan ng mga mangingisda kayat tututukan nila ang rehabilitasyon ng nasirang bangka

“Sabi ko nga personally, mga pagkain nila, lalo na sa bigas na yan ako na bahala dyan. At least alam nila hindi na sila magugutom during the time of the rehabilitation. But we’ll try to rehabilitate the boat as early as possible,” ani Lim Bon Liong.

Binigyang diin pa ng pangulo ng FFCCCII na ang kanilang pagtulong ay hindi pag-ako ng pananagutan sa insidente kundi ito ang kanilang tugon sa mga Pinoy na tinuturing na kaibigan ng mga Chinese.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?