55

Nov 7, 2021 @ 10:33
By

Abot 8 todas sa Astroworld stampede

Hindi bababa sa walong tao ang namatay at marami pang sugatan sa nangyaring stampede sa Astroworld Festival sa Texas nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Houston fire chief Samuel Pena, nagsimula ang insidente bandang alas-9 ng gabi nang magsiksikan ang mga tao patungo sa unahan ng entablado.

Higit-kumulang 50,000 katao ang nasa Astroworld Festival ng American rapper na si Travis Scott.

Sinisiyasat na ng pulisya ang sanhi ng insidente at tinitingnan ang video footage mula sa arena.

Dahil sa naturang insidente, pinakansela ng mga awtoridad ang naturang music festival. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?