159

Oct 19, 2019 @ 17:31
By

‘Abominable’ inalis na sa mga sinehan sa ‘Pinas, Vietnam

Inalis na sa mga sinehan sa Pilipinas ang Dreamworks animated movie na “Abominable”.

Ayon sa Movie and Television Review and Classification Board sa mga ulat, tinanggal na sa mga sinehan ang animated film simula pa noong Martes.

Ito umano ay dahil makikita sa pelikula ang mapa na nagsasabing pag-aari ng Chinese ang South China Sea.

Kuwento ito ng isang batang Chinese girl na nakipagsapalaran sa isang trip sa China para maibalik ang isang magical Yeti na “Everest” sa mga Himalayas.

Joint collaboration ang movie ng Dreamworks Animation at Shanghai-based Pearl Studios.

May isang eksena sa simula ng pelikula kung saan binulatlat ng main character na si Yi habang nasa bubungan siya ang isang mapa ng China.

Malinaw na makikita rito ang isang U-shaped dotted line mula southern coast ng China at halos buong South China Sea.

Ayon sa CNN report, maging sa mga sinehan sa Vietnam ay inalis din ang “Abominable” dahil sa mapa ng South China Sea.

Kabilang ang Vietnam sa mga bansang nagki-claim sa South China Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?