24
Lalaki binaril ng sinaksak na sekyu, todas
Sep 15, 2021 @ 21:58
By

Abogado tinodas sa Cotabato

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang abogado matapos birahin ng riding in tandem sa bayan ng Surallah, South Cotabato nitong Miyerkoles ng hapon.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si lawyer Juan Macababad, 60-anyos.

Tumapat umano ang mga suspek sa bahay ni Macababad sa Barangay Poblacion pasado alas-5 ng hapon at tinawag ang abogado.

Nang binubuksan na ng abogado ang kanilang gate ay pinagbabaril siya ng mga suspek sa ulo at katawan.

Naitakbo si Macababad ng mga kapitbahay sa Javelosa Hospital pero idineklara itong patay na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?