43

Jan 15, 2021 @ 22:01
By

Abogado patay sa pamamaril sa Bukidnon

Iniimbestigahan na ang pagpatay sa isang abogado sa Malaybalay City, Bukidnon.

Kinilala ang biktimang si Winston Intong, 53-anyos.

Ayon sa ulat, bumibili ang biktima ng mga gulay ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay sa Abello St., Barangay 6 nang malapitang barilin ng mga suspek sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga, Jan. 14.

Nadala pa sa ospital si Intong pero dineklarang dead on arrival.

Samantala, sugatan ang tindero ng gulay na si Romeo Baliguig, Jr., 19, matapos tamaan ng ligaw na bala.

Dahil dito, muling nanawagan ang Integrated Bar of the Philippines para sa “justice and security for Filipino lawyers.”

Ayon sa kanila, mahigit 50 abogado at miyembro na ng hudikatura ang napatay sa panahon ng administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?