66

By

Abogado patay, misis kritikal matapos barilin sa bahay sa Cebu

Sharing is caring!

Binaril at napatay ang isang criminal lawyer at asawa nito ng mga ‘di pa kilalang gunmen sa loob ng kanilang bahay sa Singson Village, Barangay Guadalupe, Cebu City, Lunes ng hapon.

Ayon sa report, kinilala ang abogado na si Salvador Solima habang ang misis nito ay si Verosse Lim Solima.

Nagpanggap umanong kliyente ang dalawang lalaki sa kasambahay ng mga biktima.

Sinabi ito ng kasambahay sa kanyang amo na si Salvador at inutusan siyang paakyatin ang mga suspek sa ikalawang palapag ng bahay.

Dito na binaril ng mga suspek ang mag-asawa sa ulo.

Agad isinugod sa Chong Hua Hospital ang mga biktima pero alas-6:58 ng gabi nang ideklarang patay si Salvador habang kritikal umano ang lagay ni Verosse.

Kabilang umano sa mga kasong hawak ni Salvador ang pagpatay kay Ermita, Cebu City barangay captain Felicisimo “Imok” Rupinta at murder sa 6-anyos na si Ellah Joy Pique.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?