15
crime-scene-dead
By

Abogado, patay matapos barilin sa ulo sa loob ng van

Sharing is caring!

Nasawi ang isang abogado habang sugatan ang isang driver matapos barilin ng isang hindi pa kilalang gunman ang una sa loob ng isang pampasaherong van na patungo sana ng Cotabato City nitong Miyerkoles.

Kinilala ang napatay na biktima na si Nasser M. Laban, 48, isang abogado, peace advocate at residente ng Cotabato City.

Ayon sa ulat, naglilibot umano si Laban sa mga lugar para magsagawa ng mga panayam ukol sa Bangsamoro Organic Law.

Isang pasahero umano ang pumara sa naturang van sa may national highway sa Barangay Meta pero bago umano bumaba ang lalaking pasahero ay binaril nito sa ulo si Laban gamit ang kalibre .45 bago tumakas sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabwat.

Tinamaan naman ang driver ng van ng ligaw na bala na si Kaliman Sangkad, 35, na nasa kritikal na kondisyon sa ngayon.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }