466
duterte-1
Nov 7, 2018 @ 18:49
By

Abogado ni VP Leni dinipensahan si Digong

Iginiit ni election lawyer at senatorial candidate Romulo Macalintal na walang nilabag na election law si Pangulong Duterte sa pag-endorso nito kay folk singer Freddie Aguilar.

Paliwanag ng abogado ni Vice President Leni Robredo hindi pa kasi itinuturing na opisyal na kandidato si Aguilar kaya’t aniya hindi masasabi na ikinampaniya na siya ni Pangulong Duterte.

“In an automated election, where the certificate of candidacy of candidates have to be filed early to enable Comelec to print the names of the candidates on the ballots, those who filed their COCs are not yet treated as ‘candidate’,” ayon kay Macalintal.

Ito rin aniya ang dahilan kaya’t hindi na kailangan pang ipagpilitan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi ginamit ni Pangulong Duterte ang salitang ‘vote’ nang itaas nito ang kamay ni Aguilar.

Pansin pa nito, habang pinagpipilitan ni Panelo na depensahan si Pangulong Duterte ay binibigyan naman nito ng ‘media mileage’ si Aguilar.

Ituturing lang na kandidato ang sinomang naghain ng certificate of candidacy (COC) kapag nagsimula na ang campaign period sa darating na Pebrero 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?