105

By

Abogado ni Imelda, pinagpapaliwanag sa hindi pagsipot sa hearing

Inutusan ng Sandiganbayan ang isa sa mga abogado ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na magpaliwanag kung bakit hindi pa rin ito humarap sa korte sa pagdinig noong Biyernes.

Binigyan ng anti-graft court Fifth Division si Atty. Robert Sison ng limang araw kung bakit hindi ito dapat magmulta sa kabiguang magpakita sa ikalawang pagkakataon.

Hinanap ni Division chairperson Associate Justice Rafael Lagos si Sison sa proceedings noong nakaraang linggo, pero ayon sa kanyang kapwa-abogado na si dating justice Manuel Lazaro ay maysakit ito.

Tumayong lead counsel si Sison sa graft cases ni Marcos kung saan ito hinatulang guilty sa pitong bilang ng katiwalian.

Hindi dumalo sina Sison at Marcos sa promulgation noong Nobyembre 9.

Sa kanyang testimonya noong nakaraang Biyernes, sinabi ni Mrs. Marcos na hindi niya alam ang tungkol sa pagbaba ng hatol dahil hindi siya nasabihan ng kanyang abogado na maysakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?