192

Mar 3, 2021 @ 19:04
By

Abogado ng PNP nagpositibo sa shabu

Namemeligrong masibak ang abogado ng Philippine National Police (PNP) matapos magpositibo sa isinagawang random drug test.

Kinilala ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang bumagsak sa drug test na si lawyer Efren Garcia II, hepe ng Legal Affairs Division of Regional Internal Affairs Service 3.

Nagpositibo sa shabu ang urine sample niya sa ginawang screening pati na sa confirmatory drug testing noong Pebrero 24.

Kaugnay nito, kabuuang 16,839 pulis na ang naparusahan simula 2016 sa ilalim ng internal cleansing program ng PNP laban sa mga scalawag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?