75

Nov 17, 2021 @ 16:32
By

Abogado ng mga Dargani dating kawani sa Office of the President

Matagal nang wala sa Office of the President ang abogado ng magkapatid na Twinkle at Mohit Dargani, mga executive ng kontrobersiyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ito ang nilinaw ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles matapos masilip ng senado ang kaugnayan umano ni Atty. Daryl Ritchie Valles sa Malacañang .

Si Valles ay nakita umanong bumisita sa magkapatid na Dargani habang nasa detention sa Senado matapos ma-contempt ang mga ito ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni Nograles na batay sa record ng Human Resources Management, si Atty. Valles ay nagtrabaho sa Office of the President at nagresign noong March 1, 2021.

“In the interest of providing the media and the public with information regarding the lawyer, Atty. Daryl Ritchie Valles , we made effort to validate and confirm the dates of his employment in Malacañang,” ani Nograles.

Napag-alaman aniya ng Palasyo na matapos mag-resign si Valles sa Malacañang ay nagtrabaho ito sa isa sa mga tanggapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ng kalihim na ginawa nila ang beripikasyon para mabigyan ng tamang impormasyon ang publiko at media hinggil sa employment ni Valles. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?