3,905

Jun 19, 2019 @ 19:27
By

Abogado natameme! Cardema bawal sa youth sector, hindi rin college grad

Ginisa ni Commission on Elections (Comelec) chairman Rowena Guanzon ang abogado ni Ronald Cardema na nais maging nominee ng Duterte Youth party-list.

Sa en banc hearing ng Comelec, tinanong ni Guanzon si Atty. Rani Angeli Supnet tungkol sa kuwalipikasyon nito bilang nominee ng isang youth sector.

Unang isyu ay ang edad ni Cardema, na inamin ni Supnet na hindi na posible para sa youth sector.

“He’s 34 years old today, so you admit that he is not qualified as a youth sector representative?” ayon kay Guanzon.

“Yes, as a youth sector,” saad naman ni Supra.

Sunod ay inusig naman ni Guanzon sa depensa na young professional ang nirerepresenta ng Duterte Youth, ngunit saad ni Supnet na hindi professional si Cardema kundi ‘advocate of the professional’.

Tanong naman ni Guanzon kung nagtapos ng college si Cardema na inamin naman ni Supnet na walang college diploma ang ex-NYC chairman.

“He did not graduate from college,” saad ng abogado na sinubukang iwasan ang sagot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?