222

Feb 29, 2020 @ 15:19
By

Abogado inutas sa harap ng kliyente

Binaril ang isang abogado habang nasa harap ng kanyang kliyente sa loob ng kanyang opisina sa Barangay Poblacion Sur, Talavera, Nueva Ecija.

Ayon sa mga nakasaksi, pumarada ang isang naka-motor sa harap ng opisina ni Atty. Bayani Dalangin, 73, at pumasok sa tanggapan nito, Biyernes ng gabi.

Dito na umano pinagtanong ng suspek kung sino si Dalangin, at nang sagutin ng mismong abogado ay kaagad siyang pinaputukan.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala mula sa ginamit na kalibre .45 na pistol kung saan nangyari ang insidente bandang alas-7:15 ng gabi.

Dinala pa sa Talavera General Hospital si Dalangin ngunit dineklarang dead-on-arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?