97

By

Abogado binoga sa ulo habang kumakain

Patay ang isang 73-anyos na abugado matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin habang kumakain kasama ang kanyang pamilya sa isang fastfood chain sa Antipolo City Huwebes bago magtanghali.

Sinubukan pang isugod sa Antipolo District Hospital ang biktimang si Irineo Michael Cabugoy, subalit idineklara rin itong dead-on-arrival ng sumuring doctor dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

Sa ulat na ipinadala ni Antipolo chief of police Col. Alvin Consolacion sa Police Regional Offcie (PRO) 4-A, naganap ang insidente sa loob ng McDonalds sa Barangay San Roque ng nasabing lungsod dakong alas 11:50 ng tanghali.

Kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang biktima kasama ang pamilya at ilang kaanak ng lapitan ito ng isang hindi pa kilalang lalaki na armado ng maikling kalibre ng baril at paputukan sa ulo ang biktima.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek at agad sumakay sa motorsiklong naghihintay hindi kalayuan sa lugar na minamaneho ng kanyang kasabwat.

Sa ngayon tinitignan ng pulisya ang mga hawak na kaso ng abugado upang mabatid kung ito ay may kinalaman sa krimen habang patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng paglutas ng kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?