17

Jan 13, 2021 @ 19:50
By

Abo ibubudbod sa ulo sa Ash Wednesday

Imbes ipapahid sa noo ay ibubudbod na lamang sa bumbunan ang abo para sa paggunita sa Ash Wednesday sa susunod na buwan.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, nagawa na rin iyon ng mga pari noong nakaraang taon bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus disease.

“We will just do the sprinkling which goes back to ancient times,” saad ni Ongtioco sa isang interview.

Sa panahon ng Ash Wednesday, minamarkahan ng abo sa noo ang mga Katoliko bilang tanda ng pagsisisi sa mga kasalanan pero ayon kay Archdiocese of Manila apostolic administrator Bishop Broderick Pabillo, ang pagbubudbod ng abo sa ulo ang orihinal na paraan nito.

Ang Ash Wednesday sa Pebrero 17 ay tanda ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma o Mahal na Araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?