227

May 3, 2018 @ 8:51

ABL championship nasungkit ng Alab Pilipinas

Buong pusong ibinigay ni Renaldo Balkman ang kanyang puso sa simula hanggang sa dulo ng laban para giyahin ang San Miguel Alab Pilipinas sa 109-92 win laban sa Mono Vampire sa Game 5 at makuha ang Asean Basketball League (ABL) championship.

Nanguna si Balkman sa simula pa lang ng laban sa pamamagitan ng 18-8 salvo at puwersahin si Mono Vampire 7-foot-5 import Samuel Deguara na malagay sa foul trouble sa kaagahan ng laro.

Sa first half pa lang, kumana na ang Alab import ng 21 puntos para tulungan ang koponan ng Pilipinas na maibalik ang kampeonato ng ABL, limang taon sapul nang makuha ito ng San Miguel na tinimunan noon ni Coach Leo Austria kasama sina June Mar Fajardo at Asi Taulava.

“It took our best effort tonight to win this,” sabi ni Jimmy Alapag, dating PBA MVP na nakapag-champion agad sa unang sabak niya bilang coach.

Nagtapos si Balkman ng 32 puntos at siyam na rebounds habang si Justin Brownlee ay nag-ambag ng 24 puntos, 12 rebounds at siyam na assists para sa pangatlong ABL championpship ng koponan ng Pilipinas.

Naging kampeon ang Pilipinas sa ABL noong 2013 at 2010.

Nag-amba ssi Ray Parks ng 13 puntos sa Game 5 at itinanghal na Finals MVP. Maaring huling laro na iyon ni Parks sa ABL dahil sasabak na ito sa PBA.

Mga iskor:

Alab Pilipinas 102 – Balkman 32, Brownlee 24, Parks 13, Raymundo 9, Domingo 9, Javelona 7, Urbiztondo 5, Hontiveros 3, Celiz 0, Maierhofer 0, Sumalinog 0.

Mono Vampire 92 – Singletary 32, Deguara 24, Zamar 19, Brickman 9, Chantachon 6, Apiromvilaichai 2, Khukhandhin 0, Boonyai 0, Sunthonsiri 0, Phuangla 0, Ananti 0, Klahan 0.

Quarterscores: 27-14; 54-45; 82-61; 102-92.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?