124

Nov 30, 2017 @ 19:53

ABL: Alab Pilipinas natudla ng Singapore Slingers

Hindi maganda ang simula ng kampanya ng Tanduay Alab Pilipinas sa Asean Basketball League (ABL) matapos makatikim na ikalawang sunod na talo mula sa kamay ng Singapore Slingers kanina Sta. Rosa Multi-Purpose Complex in Laguna.

Nakatikim ng pangalawang home defeat ang Alab 97-83 sa tulong ng dating PBA player na si AJ Mandani para sa ikalawang panalo naman ng Slingers sa kanilang tatlong laro.

Mula sa double-digit na kalamangan, humabol ang Alab sa third quarter, 72-71 subalit hindi ito na-sustain at bumigay sa fourth period.

Namunod sa Singapore si Xavier Alexander sa kanyang 27 points, 11, rebounds at 12 assist habang ang kapwa import na si Ryan Tucker ay nag-ambag ng 24 points at 18 rebound.

May 17 points, four assists at 3 steals naman ang Fil-Am na si Mandani.

Para sa Alab, may 24 points, 10 rebounds si Reggie Okosa at kapwa Alab import Ivan Johnson naman ay may 19 points at walong rebound.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?