105

Oct 27, 2017 @ 15:20

Abella sa Liberal Party: Takot sa sariling multo

Itinanggi ng Malacañang na may kumpas  sila sa  pagsasangkot kina Senador Franklin Drilon at dating DILG secretary Mar Roxas  sa illegal drug trade sa Visayas region.

Tugon ito ng Palasyo sa bintang ng Liberal Party (LP) na tinatrabaho ng administrasyon ang paninira laban kina Drilon at Roxas matapos idiin ng  naarestong drug cartel bagman na si Ricky Serenio ang dalawa sa kanyang testimonya.

Sinabi kahapon ni presidential spokesman Ernesto Abella na natatakot  ang LP sa sariling multo matapos ang kanilang gawa-gawang imbestigasyon sa kanilang mga kalaban noong sila ang nakaupo sa  kapangyarihan.

“The administration has nothing to do with the testimony of a drug cartel bagman, Mr. Ricky Serenio, implicating Senator Franklin Drilon and Former Secretary Mar Roxas to the illegal drug trade in the Visayas. The Liberal Party is afraid of its own ghost after conducting several witch hunt investigations against their perceived political enemies when they were in power,” ang pahayag  ni Abella.

Batay sa affidavit ng naarestong drug top personality sa Negros na si Serenio,  inakusahan nito sina Drilon at Roxas na nagtangka umanong  i-takeover ang  Berya  group na  isang drug trade  leader sa nasabing lugar noong  2015, kasama si Iloilo City Mayor Jed Mabilog at ang number  one  drug  lord na si Melvin Odicta na napatay noong  Agosto 2016. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?