30

Oct 30, 2017 @ 17:56

Abella, kumpiyansa kay Roque bilang presidential spokesman

Matapos ang tatlong araw na pananahimik ay nagsalita na si dating presidential spokesman Ernesto Abella.

Sa kanyang ipinadalang mensahe sa Malacañang, sinabi ni Abella na kumpiyansa siyang kayang-kaya ni Harry Roque ang kanyang trabaho, gaya ng tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaabot ng bagong spokesman ang kanyang mga inaasahan sa bagong posisyon.

Naniniwala si Abella na maibibigay ni Roque ang tamang suporta para sa mga programa ng administrasyon at maging boses ng Pangulo sa mga mensaheng nais nitong iparating sa mga Pilipino.

“It is clear that the President has very sure instincts and that PS Roque meets his expectations; I believe PSR will be more than adequate for the occasion and will deliver the right support needed for PRRD’s program of government,” ang pahayag ni Abella.

Hindi naman binanggit ni Abella kung may sama ba ito ng loob sa pagsibak sa kanya ng Pangulo sa puwesto.

Matatandaang noong Biyernes ay hindi na dumalo si Abella sa kanyang regular press briefing at hindi na rin sumama sa biyahe ng Pangulo sa Japan. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?