87

Nov 3, 2017 @ 17:44

Abella, hindi masi-‘zero’ sa Duterte administration

Ipinahiwatig ng Malacañang na may lugar pa rin si dating Presidential Spokesman Ernesto Abella sa Duterte administration kahit pinalitan na siya sa puwesto.

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na mananatili sa administrasyon si Abella at hindi siya pababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero prerogative pa rin aniya ng Pangulo kung saan niya gustong ilagay ang dating spokesman kaya hintayin na lamang kung mayroong anunsiyo hinggil dito sa mga darating na araw.

“Si Ernie will stay with the administration. Kung saan siya ilagay ni Presidente Duterte, nasa prerogative na iyon ni Presidente. But I’m sure that hindi naman masi-zero si Ernie. Hindi naman masi-zero si Ernie. He will have a place under the administration,” ang pahayag ni Andanar.

Matapos mapalitan noong nakalipas na linggo si Abella, ay hindi na ito naringgan pa o nagsalita kaugnay sa ginawang pagpalit sa kanya sa puwesto.

Pero matunog ang ugong-ugong na posibleng bigyan ng ambassadorial post si Abella sa Europa. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?