3

Aug 1, 2020 @ 17:21
By

Abelardo suko kay Andrade

Umuwi si Filipino mixed martial arts (MMA) fighter Mark “Tyson” Fairtex Abelardo na laylay ang balikat nang pasukuin ni Fabrico Andrade sa kanilang `ONE: No Surrender’ sa Bangkok, Thailand.

Sa second round pa lang ng sagupaan ay tila tiklop na ang Pinoy-Kiwi fighter sa bigwas ni `Wonder Boy’ sa loob lamang ng dalawang minuto.

Tinangkang itumba ni Abelardo ang Brazilian fighter pero ginamitan siya nito ng laki at tangkad kung saan kinorner na ito at sinentro sa leeg.

May kakambal pang rear-naked choke, suntok at sipa na tirada ang kalaban kaya hindi na nakaporma pa ang pambato sana ng ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?