160
abby-binay

Abby panalo, Jojo talo sa Makati elections

Panalo ang sinuportahang anak ni ex-Vice President Jejomar Binay na si Abby Binay na muling uupo bilang mayor ng Makati.

Ngunit hindi ito nasundan para kay Jojo na natalo kay Kid Peña sa congressional race sa first district ng Makati.

99.96 percent na ang returns sa Makati, lamang si Abby ng nasa 80,000 kontra sa kanyang kapatid na si Junjun Binay.

178,829 boto ang nakuha ni Abby samantalang may 98,210 naman si Junjun.

Kuha naman ni Peña ang 70,741 ng mga boto, 64,869 naman ang nakuha ni Jojo Binay.

Dumating na si Peña sa canvassing area sa Makati at nang maitanong ito kung anong nararamdaman sa pagkapanalo ay tila normal lang ang emosyon nito. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?