golez

ABAP kinilala ang kontribusyon ni ex-Cong. Golez sa boksing

Sharing is caring!

Inalala ng ABAP boxers ang mga naibigay na kontribusyon ng former Amateur Boxing Association of the Philippines president Roilo Golez matapos nitong pumanaw dahil sa heart attack, Lunes nang umaga.

Mas nakilala si Golez bilang former national security adviser, pero lingid sa kaalaman ng karamihan, ang kinilalang public servant ay sportsman at boxing champion noong namamalagi pa siya sa US Naval Academy sa Annapolis, Maryland.

“Hilig niya talaga ang boxing,”sabi ni national coach Nolito ‘Boy’ Velasco.

Naging four years straight brigade boxing champion si Golez sa Annapolis.

Noong panahon rin ng Abap president, nakapaguwi ang Pilipinas ng dalawang golds, dalawang silvers, at bronze sa 1987 Southeast Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Sa ilalim rin ng kanyang pamamalakad, nagawa rin nitong maglunsad ng ‘Boxing at the Park’, isang programang naglalayong makadiskubre ng may potensiyal maging miyembro ng national team, pero hindi nagtagal ay binitawan rin ni Golez ang puwesto.

“Hindi siya masyado nagtagal kasi nasa Asia Brewery nga siya. Pero maayos naman pamamalakad niya, marami ding competitions abroad yung mga boksingero natin at nakakakuha rin naman ng mga medalya,” sabi ni Velasco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?