252

AbanTEN: Mga showbiz loveteam usap-usapan ngayong linggo

Naging maiinit ang mga balita tungkol sa mga showbiz loveteam ngayong linggo.

Bukod sa mga showbiz loveteam hindi rin pahuhuli ang mga usapin tungkol kay Vice Ganda, Maureen, Pepe Herrera, at Chiena Filomeno.

Narito ang top 10 Abante at Abante Tonite Column na labis na pinag-usapan ngayong linggo.

1. JaDine nagdiwang ng kanilang ika-3 anibersaryo bilang real-life couple

Puno ng pag-ibig ang Pebrero nina James Reid at Nadine Lustre na nagdiriwang ng kanilang ika-3 taong anibersaryo bilang real life couple sa isang island trip. Seksing-seksi ang mga larawan ng mga ito na ibinabahagi sa Instagram.

View this post on Instagram

H E A L I N G ❤️

A post shared by James Reid (@james) on

Basahin ang buong istorya: Nagtampisaw sa kaligayahan: James hubad, Nadine may pa-cleavage sa anniv photo nila

2. Aldub hindi magkasama sa Valentine episode ng Eat Bulaga
Pagdating ni Maine sa ‘Pinas ay siya naming lipad ni Alden pa Iceland kasama ang ibang babae. Hindi man magkasama sa Valentine episode ng “Eat Bulaga” hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ng AlDub Nation kina Alden at Maine!

Basahin ang buong istorya: Pagdating ni Maine sa ‘Pinas: Alden lumipad pa-Iceland, ibang girl ang kasama

3. Maureen hot na hot sa kaseksihan
Palaban at daring ang dating Asia’s Top Model na si Maureen Wroblewitz nang ilantad ang katawan sa skimpy bikini na pinost niya sa kanyang Instagram account.

Basahin ang buong istorya: Aktor lumuwa ang mga mata sa kaseksihan ni Maureen

4. KathNiel award-winning!
Napagpasyahan ng mga miyembro ng jury na bigyan ng Golden Jury Award ang pelikulang “The Hows Of Us” ng Star Cinema na siyang pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Basahin ang buong istorya: 50th Guillermo box-office award KathNiel, Vice, Dingdong, Richard wagi

5. Coco Martin suportado si Pepe Herrera
Certified basurero na nga ang komed­yante/singer na si Pepe Herrera, at hindi niya ikinahihiya ‘yon. At siyempre, suportado siya ng kaibigan niyang si Coco Martin, na kilala rin sa pag-aalaga ng kapaligiran.
Hindi nga ba, gumawa siya ng sarili niyang ‘sakahan’ o ‘hardin’ sa mismong bakuran niya, na tinaniman niya ng mga gulay, na pinakikinabangan na ng pamilya niya ngayon.

Basahin ang buong istorya: ‘Basurero’ Pepe Herrera suportado ni Coco

6. Chienna Filomeno bayarang babae?

Nakakaloka ang nagging eksena sa social media ng “It’s Showtime” Girltrend member na si Chienna Filomeno.
Bigla na lamang nakatanggap ang aktres ng mga masasakit na pananalita mula sa ilang basher sa Instagram dahil sa kanyang mga post. May isang netizen na nagbuking dito na di umano ay bayarang babae ito.

Basahin ang buong istorya: Chienna Filomeno binaboy ng basher, inakusahang bayarang babae

7. Vice Ganda, wasak!
Tila may pinagdadaanan na naman si Vice Ganda dahil sa isang tweet nito kung saan ay sinabi nitong, “Sometimes you go to the wrong choices to get to the right place.”

Basahin ang buong istorya: I am broken! — Vice

8. Carla Abellana di kayang mawalay kay Tom
Malabo na ngang matibag ang romantic relationship nina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Bukod sa matagal na rin ang kanilang pagmamahalan, tila hindi na rin nila kakayanin na mawalay pa sa isa’t isa.

Basahin ang buong istorya: Carla guguho ang mundo ‘pag nahiwalay kay Tom

9. US date ni Arjo, Maine bongga!
At hayun, naganap na nga ang maaaring kinatatakutan o kinaiinisan ng AlDub nation dahil hindi nila gusto si Arjo para kay Maine. Kita sa mukha ni Maine ang sobrang kaligayahan habang nakaupo sa isang table for two na may wine at salad.
Basahin ang buong istorya: Maine, Arjo nag-date sa Amerika

10. LizQuen kumpirmadong magdyowa

Sa isang episode ng Gandang Gabi Vice ay napaamin ni Vice Ganda si Enrique Gil sa relasyon nito kay Liza Soberano.

Basahin ang buong istorya: Wala na, finish na! Liza, Enrique 2 taon na ang relasyon

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?