333

Abando sinusulot ng NU, DLSU

“Unethical!”

Ito ang paglalarawan ni Sto. Tomas Growling Tigers coach Aldin Ayo sa mga UAAP school na desperadong masulot ang rookie sensation na si Rhenz Abando.

Ayon sa balita, dalawang UAAP schools ang todo panunuyo kay La Union-native cager Abando para mapirata.

“For me, that’s very unethical,” giit ni Ayo mula sa Varsitarian, ang UST official publication. “In the middle of the season, offering to contact a player. Ini-insulto mo ‘yong bata at players.”

Ayon sa isang source, isa sa mga school na namimirata kay Abando ay ang National University Bulldogs, pati rin ang La Salle Green Archers.

Nabatid pa sa impormante na pabahay, kotse, trabaho para sa magulang at kamag-anak, at P3M cash ang pinapain kay Abando.

Gayunman, nanindigan at nananatiling Growling Tiger si Abando matapos ang meeting nitong Huwebes. Hinirit na ‘di siya masisilaw sa pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?