101

Oct 17, 2019 @ 19:39
By

Abando pinipirata ng ibang koponan

Duda ang ilang fans nitong Miyerkoles kung bakit hindi nakauniporme si UST Growling Tiger Rhenz Abando sa laban kontra UP Fighting Maroons.

No comment rin umano si head coach Aldin Ayo nang matanong ang rason kung bakit hindi lumaro ang rookie mula La Union.

“Right now, I’m not gonna comment regarding that,” saad ni coach Ayo.

Usap-usapan ngayon ng mga netizen na pinipirata si Abando ng ibang team.

“Star player ka na dyan boi aalis ka pa” komento ni Ojij Erdezap sa Facebook.

“Nakakadisappoint iyong news tungkol kay Abando. Nakakabwisit na mid season, namimirata itong mga eskwelahan na ‘to at bumigay naman itong isa. Hi Rhenz! iba magmahal ang mga Thomasians okay??? hindi yan matutumbasan ng kahit anong salapi, bahay, lupa, etc,” tweet naman ni Cheng (@haacheng).

Sabi naman ni Annleigh Lee (@leeannleigh), “Rhenz Abando really thinking of transferring UAAP schools during playing season. Guy got lack of heart for the yellow. He should have just waited the end of season.”

Sa kanyang rookie season, nagtala si Abando ng 11.8 points, 5.0 rebounds, 1.3 blocks, at 1.1 assists per game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?