34

Oct 26, 2019 @ 14:16
By

Abando, Chabi Yo, USTe reresbakan ang Adamson

TEAM STANDINGS W L

+ADMU 12 0

UP 8 4

FEU 7 6

UST 7 6

DLSU 6 6

*ADU 4 8

*UE 3 9

*NU 2 10

+Abante sa playoffs

*Talsik sa Final 4

Mga laro ngayon:

(Ynares Center, Antipolo)

2:00 pm – NU vs ADMI

4:00 pm – UST vs ADU

Asahang dodoble-kayod sina Rhenz Abando, Soulemane Chabi Yo at Sto. Tomas Growling Tigers kontra 1st round tormentor Adamson Soaring Falcons sa rematch Sabado ng alas-4:00 ng hapon sa tumitinding 82nd UAAP men’s basketball tournament 2nd round elims sa Ynares Center, Antipolo.

Nakikipaghagaran ang USTe sa Final Four kaya kakayod nang todo para maibawi rin ang 78-71 loss sa ADU nitong Setyembre 19 lalo’t habol na lang ng huli na out na semifinals na mandamay na lang sa kanilang sinapit.

Gusto ring gawin ng España-based squad na tuntungan ang mga taga-San Marcelino para makatayo mula sa 80-79 defeat sa La Salle Green Archers nito lang Miyerkoles.

‘Di sapat ang 19 points ni rookie Abando at twin-twin job ni Chabi Yo na tig-17 points at rebounds para makaiwas sana sa elims sweep ng DLSU.

“If you can remember ‘yung sinabi ko doon sa presscon, ang sinabi ko ‘It will be very unpredictable season. Which is ganun talaga ang nangyari, kasi halos ‘yung teams mga pantay-pantay eh, so mag-didepende na lang kung sino ang mas gustong manalo,” ani UST coach Aldin Ayo.

Gumuho ang mundo ng Adamson sa semifinals tapos na muli ring suwagin ng Far Eastern Tamaraws dalawa araw pa lang din ang nakalilipas, 63-60.

Kapos ang tig-10 points nina Jerrick Ahanmisi at Aaron Fermin, pati ang 10 markers at 22 boards ni Lenda Douanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?