29

By ,

Abadiano, Bullpups ayaw magpaawat

Walang awat ang pagsungkit ng titulo ng Nazareth School of National University Bullpups ngayong 2019.

Una, nasikwat ng Sampaloc-based squad ang titulo sa UAAP Season 81 Juniors Basketball noong Pebrero at ngayong buwan naman ay gumawa ng kasaysayan ang Bullpups nang kunin ang back-to-back title nito sa Chooks-to-Go SM NBTC League National Finals.

Bukod sa dalawang championship titles, sasabak din ang National U sa Palarong Pambansa ngayong taon bilang kinatawan ng National Capital Region (NCR).

“Everything na naa-achieve namin, sobrang saya kami. Every tournament naman, we really prepare kaya masaya kami for this,” sabi ni Bullpups head coach Goldwin Monteverde.

Maging si Finals MVP Carl Tamayo ay masaya rin sa naging resulta ng kanilang paghihirap dahil hindi aniya madali ang kanilang pinagdaan.

Para naman sa kapitan nito na si Gerry Abadiano, nagawa nila lahat ng ito dahil sa pagtutulungan nila bilang isang tropa.

“Masayang sama-sama kaming gumawa ng history,” wika ni Abadiano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?