100

Jul 4, 2022 @ 22:06
By

Aangkinin ang buwan? China pumalag sa bintang ng NASA

Tinawag ng China na paninira lamang ang inilabas na babala ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) chief na maaaring “kunin” ng una ang moon o buwan bilang bahagi ng military program nito.

“We must be very concerned that China is landing on the moon and saying: ‘It’s ours now and you stay out’,” pahayag ni NASA Administrator Bill Nelson sa German newspaper na Bild.

Sinabi pa ng US space agency chief, na ang space program ng China ay isang pang-militar at inakusahan din ang China ng pagnanakaw ng mga idea at teknolohiya mula sa iba.

Pero ani Zhao Lijian, spokesman ng Chinese foreign ministry, hindi umano ito ang unang beses na naglabas ng iresponsableng pahayag ang pinuno ng NASA.

“The US side has constantly constructed a smear campaign against China’s normal and reasonable outer space endeavours, and China firmly opposes such irresponsible remarks,” ani Lijian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?