275

Dec 4, 2019 @ 18:17
By

Aabot kaya? 3 buwan sapat sa pagtalakay sa ABS-CBN franchise renewal – Cayetano

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na mabibigyan pa rin ng patas na resolusyon ang pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN kahit pa tatlong buwan na lang ang natitira sa kanilang kasalukuyang franchise.

Ito’y matapos kumpirmahin ni House legislative franchise committee Franz Alvarez na wala sa kanilang iskedyul ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN na hanggang Marso 30, 2020 na lang.

“Walang hearing sa December 10, walang hearing for the year,” lahad ng Palawan Representative.

Ayon naman kay Cayetano, sa susunod na taon ay asahan na ang pagtalakay sa kahihinatnan ng giant media network.

“I reiterate that Congress would be fair, will always have a fair hearing. Alam naman ito din ng management ng ABS-CBN na uunahin namin ang budget atsaka mga revenue bills,” lahad ni Cayetano.

“Pero we have more than enough time to tackle it in January, February dahil March pa naman ‘yung expiration ng franchise,” aniya pa.

Matatandaan na muling pinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hahayaang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa umano’y hindi pagpapalabas ng kanyang campaign ads noong 2016 presidential elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?