180
9th UAAP juniors crown, sinalya ng FEU-Diliman
By

9th UAAP juniors crown, sinalya ng FEU-Diliman

Tagumpay na nakuha ng Far Eastern University-Diliman Baby Tamaraws ang pangsiyam na sunod na UAAP juniors football title matapos pabagsakin ang National University 1-0 Huwebes sa Moro Lorenzo Field.

Pumuntos si Pocholo Bugas sa ika-16 minuto ng laro na siya ring nagbigay ng winning goal para sa Baby Tamaraws sa UAAP Season 81.

Kahit pa hindi nanalo, masasabi namang maganda pa rin ang ipinakita ng Bullpups sa second year na pagsali nito sa juniors’ division ng football.

Nanaig din ang FEU sa individual awards sa pangunguna ni Marc Jessar Tobias bilang MVP sa torneo.

Tinanghal naman si Karl Talaroc bilang Rookie of the Year, Pocholo Bugas bilang Best Striker, Kristian Bumatay bilang Best Goalkeeper at Kiet Absalon bilang Best Midfielder.

Hinirang naman si Dominic Absalon ng UST bilang Best Defender.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?