29

Dec 29, 2019 @ 18:34
By

9th triple-double sinungkit ni Doncic vs Warriors

Lumusob ng San Francisco si Luka Doncic Sabado ng gabi para kolektahin ang 9th triple-double niya ngayong season at nilampaso ng Dallas Mavericks ang Golden State Warriors 141-121.

Naglista si Doncic ng 31 points, 12 rebounds at 15 assists sa loob lang ng 30 minutes at kinalsuhan agad ng Mavs ang winning streak ng Warriors sa apat.

“I didn’t expect they were going to trap me in the half court,” wika ni Doncic. “If they trap me, they have to play four-on-three basketball, which is easy. It’s not just one player on the court – we have five – and if they trap me, I’m glad. We’re going to hit those open shots. That’s easy basketball for us.”

Umayuda si Tim Hardaway Jr. ng 25 points, 18 kay Kristaps Porzingis at 17 off the bench si Seth Curry para sa Mavericks.

Nakakapagsumite na ng 30 points sa likod ng walong 3-pointers sa first half si D’Angelo Russell para sa Warriors pero nabugbog ang leeg nang bumagsak matapos makipagsalpukan kay Doncic sa third quarter.

Bumalik si Russell sa umpisa ng fourth pero lubog na sa 19 ang Golden State. Tumapos siya ng 35 points at 6 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?